Ang aking ama at ina
AKING AMA at INA
Marami akong nagawang kasalanan dahil sa masama kung ugali marami akong nasasaktang damdamin lalong lalo na sa tatay ko nanay,masakit sakin ngayon kasi hindi na mabubuo ang pamilya namin dahil sa kadahilanang pagkawasak ng aming masayang pamilya at kaya nagbago ang pakikitungo ko tatay ko,kaya sinisisi ko ang tatay ko sa pag alis ng nanay ko at naging masama ang ugali ko naging masama narin ako sa mga kaibigan ko at sa ibang tao, o sa mga mahal ko sa buhay kaya nasasabi nila sa akin na akoy bagohin ko ang ugali ko subalit wala akong magawa para bagohin ang ugali ko dahil lagi kung naiisip bawat minuto oras ang sakit na naramdaman ko oo madaldal at masumbat ako sa tatay ko ang sakit sakit lang kasi noon masaya kami pero ngayon nawasak ng husto ang pamilya namin.
Oo sinisi ko ang tatay sa lahat lahat ng nangyari sa buhay namin alam kung marami akong nasabing masasama sa kanya dahil galit na nararamdaman ko parin, pero nakokonsensya ako sa lahat masakit din sakin kasi samga sinasabi nila sa akin ang gusto ko may susuporta sa akin sa sitwasyon ko ngayon dahil nahihirapan na ako, gusto ko andito ang nanay ko para sumuporta sa akin pero wala kaya ito ako mag isa na sinusuportahan ang sarili , lagi kung pinagdarasal na sana mabuo ulit ang nawasak naming pamilya at maging masaya ulit kami pero patuloy parin akong nagdadasal sa panginoon na sana marinig niya ang mga dalangin ko.
Ngayon gusto kung humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa nanay at tatay ko at lalo na sa panginoon na siyang nagbibigay lakas para wag akong sumuko sa lahat ng problemang dumadating patungo sa sa buhay ko.Kaya patawarin sana ako ng mga magulang ko sa mga kasalang nagawa ko sakanila sa dinadami ng kasalanan ko pinaparealize ng konsensya ko na sa masamang pakikitungo ko sakanila wala ng magmamahal sa akin kaya naiintindihan kona ngayon alam kung mahal nila ako kaya susuklian ko iyon kaya nay tay SORRY PO SA LAHAT MAHAL NA MAHAL KO KAYO :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento